Wednesday 1 August 2012

BANGS GARCIA, UMAMING NATALAKAN NG DIREKTOR



Sa one-on-one interview namin kay Bangs Garcia pagkatapos ng The Reunion presscon noong Martes ng gabi sa Dolphy Theater ay inamin niyang nagkaroon sila ng pagtatalo ng direktor niya sa Kung Ako’y Iiwan Mo na si Manny Palo.

 
 
Nauna naming narinig sa Juicy ang isyung galit na galit daw si direk Manny kay Bangs dahil nag-attitude kaya tinalakan niya ito to the max na naging dahilan para magsumbong ang aktres sa management.
 
 
“Ate Reggs, okay na kami, misunderstanding lang na nangyari, pero okay na kami ngayon,” tumatawang sagot ni Bangs na ayaw ng palakihin pa ang isyu.
 
 
Marunong umarte si Bangs kaya imposibleng tungkol sa acting niya ang pinagtalunan nila ni direk Manny.
 
 
“It’s not about that, it’s something else.  Basta it’s not about acting, kasi kung baga, open minded ako na alam kong makakabuti.  Hindi rin po iyon ang rason.  Hindi rin po dahil late ako,” paliwanag ng aktres na idinadaan lang sa tawa.
 
 
Kukulitin pa sana namin ulit si Bangs tungkol kay direk Manny, pero nakiusap na itong dedma na tutal nagkaayos na naman daw sila at maganda ang ratings ng Kung Ako’y Iiwan mo kasama sina Shaina Magdayao at Jake Cuenca na napapanood sa hapon.
 
 
Samantala, si Kean Cipriano ang ka-love team ni Bangs sa pelikulang The Reunion na idinirek ni Frasco Mortiz mula sa Star Cinema at kitang-kita na talagang panay ang pa-cute ng bokalista sa dalaga na tawa lang naman ng tawa habang nasa entablado sila para sa Q and A kasama ang ibang cast tulad nina Xian Lim, Mat Evans, Enrique Gil, Enchong Dee, Jessy Mendiola, Megan Young, at Julia Montes.
 
 
May namuong romansa ba sa kanila ni Kean sa set ng The Raunion?
 
 
“Ay wala po ‘yun, sa palabas lang talaga.” Mabilis na sagot ni Bangs.
 
 
Kaya alam mo na ateng Maricris, si Bangs naman ang pinagpapa-kyutan ni Kean pagkatapos ni Alex Gonzaga?
 
 
Anyway, ang running joke ngayon ng mga katoto pagkatapos ng presscon ay ang The Reunion daw ang comedy version ng Mumunting Lihim na kuwento ng magkakaibigang may unfinished business noong sila’y mga bagets pa.
 
 
Mapapanood ang The Reunion sa Agosto 15 mula sa Star Cinema na idinirek ni Frasco Mortiz.
 
                                                 Xxxxxxxx

No comments:

Post a Comment