Saturday 4 August 2012

ANG LATEST, 'SIKSIK SA BALITA


 





Napanood namin ang pilot episode ng Ang Latest Updated kahapon.


Nanibago kami sa bago nilang set, para silang nasa canteen dahil sa lamesang maliit na may mga tasa’t papel, hindi katulad sa Juicy o Paparazzi na maayos tingnan bukod pa sa background na nakaka-distract.
 
 
In fairness, siksik ang mga balitang hatid ng Ang Latest, talagang updated at preempted nila ang The Buzz at Startalk.
 
 
Sila ang naka-scoop sa pagdating ni Nora Aunor na nag-guest nang live at nalaman din na hindi pa siya na-operahan at inamin din na hindi naman daw tinamaan ang vocal chord niya at plano niyang mag-concert sa Oktubre ngayong taon (sana nga matuloy).
 
 
Nabitin kami sa 30 minutong pagbabalita at balitaktakan ng hosts na sina ‘Nay Cristy Fermin, Mr. Fu, Amy Perez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez, hindi ba puwedeng dagdagan ang oras ng Ang Latest Updated, sir Percy M. Intalan?
 
 
Ay, hindi pala umabot sa 30 minuto dahil may sponsors na umabot sa 10 minuto bukod pa sa house ad kaya bitin talaga.
 

Samantala, walang dating ang VO (voice over) ni Mr. Fu sa headlines dahil walang kabuhay-buhay, mas maganda kung si Laila Chikadora na lang sana, mas makakakuha ng atensyon.
 
 
Kulay asul ba talaga ang suot ng mga babaing host?  O nagkataon lang na pare-pareho sila ng kulay ng damit?
 
 
Isa pang napuna namin ay ang kulay ng logo ng Ang Latest, parang imbitasyon sa childrens party, ha, ha, ha, ha, ha. 
 
 
Congratulations to EP Omar Sortijas and staff para sa magandang unang episode, sana ma-maintain nila ito.
 

No comments:

Post a Comment