Wednesday 8 August 2012

ARIEL AT MOMMY ELVIE, BIKTIMA NA NAMAN NG BAHA


Nabaha ulit ang komedyanteng TV host na si Ariel Villasanta kasama ang inang si Mommy Elvie dahil lubog na naman sa baha ang Provident Village, Marikita City kung saan sila nakatira.
 
 
Dating biktima na ng bagyong Ondoy ang mag-inang Mommy Elvie at Ariel ang nakatawag pansin noong 2009 dahil nakitang nasa bubong ng bahay nila ang komedyante at humihingi ng tulong para sa kanyang ina.
 
 
At nagkakilala sina Ariel at ang negosyanteng si Cristina Castillo noon 2011 at naging mag-asawa pero nagkahiwalay din kamakailan lang.
 
 
Bagama’t hiwalay na sina Cristina at Ariel ay nag-aalala pa rin sa asawa kaya’t kaagad nag-text ang una para kumustahin.
 
 
“Siyempre, naga-alala ako, tinext ko siya na sabi ko may condo ako sa Eastwood Palazzo at puwede nila gamitin ‘yun kasama si mommy Elvie at huwag na siya mahiya dahil kung may taong unang tutulong sa kanya sa oras ng kagipitan, ako ‘yun.” Kuwento ni Cristina sa amin.

 
Natawa raw si Cristina sa sagot ni Ariel, “no worries, nakasakay na kami ng mommy ko at naka-bathing suit na siya, pero hindi ko na nilagyan ng sunblock hindi naman maaraw.  Salamat sa concern.”
 
  
At base rin kay Cristina ay nasa bahay ng ina ni Joey de Leon si mommy Elvie na si mommy Emma at si Ariel daw ay nasa staff house ng PLDT kung saan siya nagta-trabaho.
 
 

No comments:

Post a Comment