Friday 10 August 2012

MAGULANG NG BATANG AKTOR, MASAMA ANG LOOB SA SHOW NG ANAK?


 

Sana linawin ng magulang ng batang aktor na si Paul Salas ang isyung may sama sila ng loob sa ilang staff ng Aryana dahil mas pinalulutang daw ang character ni Dominique o Dom Roque bilang isa sa leading man ni Ella Cruz.
  
Nag-umpisa sa blind item ang isyu na may sama raw ng loob ang magulang ng isang batang aktor sa programang kinabibilangan ng kanilang anak dahil nagiging support na lang daw ang role nito gayung leading man ang ipinangako sa kanila noong i-offer ito sa bata.
  
At pinangalanan na ang batang aktor na si Paul Salas na ang magulang ay dating Universal Motion Dancer na si Jim Salas at nanay naman niya si Michelle Solinap na pinsang buo ni Dingdong Dantes.
  
Lead role raw ang ipinangako kay Paul bilang leading man ni Ella bilang si Aryana hanggang sa isinama na si Dom Roque bilang ka-love triangle.
 
At nitong mga huling episodes ay kapansin-pansin nga na mas malapit si Aryana (Ella) kay Hubert (Dominique) kaysa kay Marlon (Paul) at mas maraming exposure ang pamangkin ni Beth Tamayo.
  
Ang obserbasyon namin ay sinadya ng nagsulat ng Aryana na ganito ang istorya at sa ganu’n malaman din kung sino ang mas gusto ng fans na leading man ni Ella kina Paul at Dom.

Para sa susunod na project ni Ella ay alam na kung sino ang magiging ka-loveteam niya.
  

No comments:

Post a Comment