Thursday 2 August 2012

DANIEL PURO PA-CUTE KAY KATHRYN




Hindi raw umepek ang pagpapa-cute ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo sa ginanap na Star Magic Olympics kamakailan dahil habang naglalaro siya ng basketball ay sablay daw lahat ng shoot niya.


Kaya natatawa na lang si Daniel sa pinaggagawa niya, “masaya naman po ‘yung naging bonding namin, basketball lang po sinalihan ko.  Kinakabahan ako no’ng nandoon si Kathryn habang nanonood.  Gusto kong magpa-cool, pero hindi gumana.” Kuwento ng binatilyo.


Samantala, bukod sa kilig scenes ng dalawa sa seryeng Princess and I kasama sina Khalil Ramos at Enrique Gil na talagang inaabangan ang eksena nina Mikay at Gretchen Barretto bilang si Ashi Behati.


Say ni Kathryn ay natsa-challenge siya kapag nakaka-eksena niya si Greta dahil marami siyang natutunan sa aktres pagdating sa pag-arte.


Noong simula raw ay takot siyang ka-eksena si Gretchen ngunit nang lumaon ay nakagaanan na niya ito ng loob.


“Sobrang kinabahan po talaga ako! Mula sa isang scene namin sa Bhutan, hanggang sa mga unang eksena namin dito sa Pilipinas, super kabado pa rin ako kay Ms. Gretchen," kuwento ni Kathryn.


"Nakaka-starstruck po kasi siya. Lahat kami, napapa-wow sa ganda niya. Pero very cool lang po siya sa set. Gusto niya happy ang lahat.”


Habang nagiging close sina Kathryn at Gretchen sa likod ng kamera, tumitindi naman ang hidwaan ng mga karakter nila sa telerserye.


“Ngayong papalapit na ng papalapit ‘yung oras na malalaman na ni Mikay na princess siya, mas dumadami pa ang eksena naming magkasama ni Ashi Behati na dapat abangan ng lahat,” aniya.


May magagawa pa ba si Ashi Behati sa paglabas ng katotohanang buhay at si Mikay ang nawawalang prinsesa ng Kaharian ng Yangdon?


Ano ang gagawin ni Haring Anand (Albert Martinez) sa sandaling matuklasan niya na si Ashi ang utak ng aksidente ng kanyang mag-ina?


Going back to Daniel at Kathryn ay abangan kung paano nila pakikiligin ang fans nila sa darating na show nilang Princess and Us kasama ang Sexbomb dancers sa Zirkoh Morato, Agosto 20 sa ganap na 10PM

 At para sa ticket inquiries ay maaring tumawag sa (Reggee) 0917-4398587, (Zirkoh) 376-7287 at SM Ticketnets.


                                                   Xxxxxxxx



No comments:

Post a Comment