Thursday, 9 August 2012

VICE, PIKON SA GGV GUEST NA INARTE



Hindi na kami nagtataka kung bakit parating negatibo ang dating ni Vice Ganda kapag may mga nababasang hindi maganda sa Twitter account niya dahil dito siya naglalabas ng saloobin niya.
 
“Oo ako talaga ‘yung nagtwi-tweet, kasi doon ko lang inilalabas ‘yung sama ng loob ko or something.
 
“Minsan kasi kapag may mga nagpapa-picture, kailangan pagbigyan mo maski masama ang pakiramdam mo, pag hindi mo naman napagbigyan, sumasama ang loob nila.
 
“Kaya ko pino-post ‘yung nararamdaman ko para maunawaan din ng mga nakababasa.
 
“Okay sa amin (mga artista) ang may mga nagpapa-picture kasi doon mo malalaman kung mayroon pang interesado sa ‘yo ang masa, pero may mga pagkakataong hindi mo kayang ngumiti, lalo na ako hindi ko nape-peke talaga ‘yung ngiti ko, hirap na hirap talaga ako sa ganu’n. 
 
“Kung hindi ko talaga gusto, hindi ko kayang magpanggap na okay lang ako maski na hindi naman ako okay.” Maayos na paliwanag ng TV host.
 
At kapag hindi raw siya nakikipagbiruan sa mga hurado o hosts sa Showtime ay wala siya sa mood
  
“Oo ganu’n ako,m kapag serious, serious pag baliw-an, baliw-an talaga.
 
“Hindi ko pa nama-master ‘yung art ng dedma.  Hindi talaga ako artista, eh.”sabi pa.
 
Natanong din si Vice kung kumportable bang ipinapakita niya ang tunay niyang nararamdaman sa lahat kaysa itinatago. 
 
“Oo kasi at the end of the day, ako rin naman ang mahihirapan.  Hindi naman ako magsisisi.  Ayokong pagsisihan ‘yung mga hindi ko nasabi o nasabi ko.  ‘Yung sana nagawa ko pero hindi ko naman ginawa kasi mas kinonsidera ko ‘yung ibang tao kaysa sa sarili ko.
  
“Gusto ko bago ako matulog ‘yung makakahinga ako, ‘yung tipong ginawa ko kasi gusto ko.” Katwiran niya.
  
Pero may nabago naman daw kay Vice na dahil medyo ingat na siyang magbitaw ng mga salita kumpara rati.
  
“In-strain ko na, mas malaki na ‘yung obligasyon ko, pero hindi pa rin ganu’n ka-ingat kasi mas nakakangawit, kasi ang hirap na lang ‘yung ginagawa mo tama, hindi na ‘yung gusto mo.”paliwanag ulit ni Vice. 
 
Samantala, hindi namin akalain na ang isang tulad ni Vice na halos nasa kanya na lahat ay marami pa rin palang pinagdadaanang problema.
 
“Marami, ang dami kong problema no!  Normal akong tao, dami kong iniisip, puro personal, actually hindi ko nga iniiisip ang lovelife. 
 
“Sa sarili ko, ang problema ko kasi, lahat binibitbit ko, katulad sa simpleng damit maski na mayroon akong stylist, pero hindi ko lahat inaasa lahat sa stylist.  Hindi ko isusuot lahat ng ipapasuot sa akin, hands-on ako.
  
“Like sa show, hindi ko sasabihin ang script hangga’t hindi ko nababasa lahat ‘yun.  Lahat maski sa live like Showtime/Gandang Gabi Vice, may ipapagawa, hindi ko gagawin kung hindi ko nababasa at kung hindi ko kayang gawin, hindi ko gagawin kasi hindi ako ‘yun.” Pag-amin niya.
 
Muling nabuksan ang isyung nagsigawan daw sila ni Vhong Navarro na co-host niya sa Showtime.
  
“Hindi totoo ‘yun.  Unang-una si Vhong, hindi siya ‘yung ganu’ng klase ng tao.  Ako puwedeng makipagsigawan, pero si Vhong ang kasigawan ko, napaka-imposible kasi hindi talaga.  Hindi ganu’n si Vhong.
 
“Kung sinabi pang nagka-tampuhan kami ni Vhong, possible ‘yun, pero ‘yung nagsigawan kami, hindi.  Pero nagkakatampuhan na kami, putso-putso lang, madalas, simpleng motif ng lahat tapos hindi susunod, ganu’n, pero ‘yung sigawan, wala talaga.” Paliwanag ni Vice sa isyu.
  
At ang isyung nag-away sila ng direktor ng Showtime na si Bobet Vidanes na dumating pa sa puntong nag-resign daw ito dahil sa kanya ang hinding-hindi niya makakalimutan dahil talagang sumama raw ang loob niya sa mga kasamahan niya sa programa.
 
“Sumama talaga ang loob ko sa kanila, sa Showtime mismo kasi no’ng pumutok ‘yung isyu, wala naman ako sa bansa, abroad ako, pero nababasa ko lahat kasi active ako sa twitter, sa facebook, nababasa ko.
  
“Sumama loob ko sa kanila (Showtime family) sabi ko sa kanila, alam ninyong may isyu, alam nating lahat at alam ninyo ang totoo, bakit wala kayong ginagawa, bakit hinayaan ninyong mabato ako ng mabato samantalang alam nating lahat kung ano ‘yung totoo?
 
“Sabi ko, minahal ko ‘yung show, pino-protektahan ko ‘yung show, pero sa puntong ito, parang hindi ako nakaramdam ng protekta.
 
“Sabi ko pa, sana ma-reliaze n’yo (Showtime) na kapag tuluyan akong nasira d’yan, hindi lang naman ako, kayo rin, kasi di ba, isa ako sa mukha ng programa n’yo?  Lahat tayo nasisira, dapat lahat tayo nagtutulungan.  Isa talaga ‘yun sa ikinasama ng loob ko, pero na-resolve rin naman.” Magandang paliwanag ni Vice.
  
Mahirap bang maging sikat at naniniwala ba siyang sikat na siya?

“Ha, ha, ha, sa totoo buhay, oo, kasi ang daming mata, di ba?  Ang daming matang humuhusga sa ‘yo, ang daming matang nakikialam, ang daming bibig na nagsasalita, ang daming opinion.
  
“Pag sikat ka di ba, ang daming may opinion sa ‘yo?  Pero pag hindi ka naman sikat, maski tumae ka sa EDSA, wala naman silang pakialam, isusulat k aba nila, hindi naman.
 
“Naniniwala naman po akong sikat ako (sabi ke Manay Ethel).  Hindi na ako magpapaka-plastic, prangkahan na.  ‘Yung pelikula kong Praybeyt Benjamin ang tumabo sa takilya. 
  
“Sikat ang mga programa ko, mataas ang ratings ng mga programa ko, tapos hindi kilala ‘yung host?  Napaka-imposible ‘yun.” Natawang sagot naman ng komedyante.
 
Samantala, inamin din ni Vice na may mga guest sila sa Gandang Gabi Vice na talagang naiirita siya dahil hindi cooperative. 
  
“Kasi 70% ng mga nagi-guest sa amin, gustung-gusto nilang mag-guest at marami pang gusto ring mag-guest.
  
“May mga nasasalubong ako na magtatanong na., ‘uy, kelan mo ako ige-guest diyan?  Maraming may gustong maging bahagi sa show.
 
“Wala pa naman akong na-experience na napipikon sa akin ang guest, pero ako, naka-experience nan g ilang beses na ako ang napipikon sa mga guests ko.
  
“Nainis ako kasi nag-guest ka rito (GGV), alam mo ‘yung host, alam mo kung ano ang kalakaran ang programa, pero ayaw mong ibigay ang sarili mo.  Sana hindi ka pumayag mag-guest dito para wala tayong conflict.
 
“Hindi tayo naglolokohan, bina-block mo ako, e, hindi naman to para sa akin, para ‘to sa viewers ko, eh.” 
At sa tanong kung paano na-survive ng nag-guest na iyon ang show?
  
“Tinapos ko kaagad, kasi alam kong hindi niya ia-allow na makakapasok ako.” Kaswal na sabi ng TV host.
  
At dahil sa nairita siya sa isang guest ay mayroon siyang hindi pina-ereng episode, “lahat kasi ng sinasagot niya sa akin, secret! Tapos sinabi ko, sine-sekreto mo pala lahat, sana hindi ka pumasok sa showbiz, sana hindi ka nagpakita sa amin, sana hindi ka nag-guest dito. 
  
“Kasi unang-una, kayo/ikaw ang may gustong i-guest ka dito, hindi kami, hindi naman ako ang nagpahanap sa ‘yo.  Kaya sabi ko sa staff, huwag ipalabas (iere) ‘yan.
 
“Bakit ko naman ipalalabas ang episode na hindi naman ikatutuwa ng manonood ko, e, kaya ko nga ginawa ‘yun para matuwa tayo sa isa’t isa.
  
“Si Noli de Castro, Vilma Santos, Angara, Jinggoy ibinigay ang sarili (nakipag barubalan), ikaw pa ba? Kayo pa ba? Pero ginagalang ko pa rin sila, pero hindi ko lang ipapalabas.” Diretsong sabi ni Vice.
 
Samantala, nagpa-thank you party si Vice sa mga taong malapit sa kanya tulad ng Showtime/Gandang Gabi Vice staff at mga kaibigang artista tulad nina Billy Crawford, Anne Curtis, Raymond Gutierrez, Liz Uy at iba pa.
  
“Pa thank you koi to sa lahat ng taong tumulong at nakakatulong sa akin, sa rami ng blessings ko at awards ko, sobrang late na nga kasi wala talagang time, like sa Augusto 30, papunta ako ng Canada for a show, tapos may shooting pa ako ng movie with Toni (Gonzaga) at Luis (Manzano), This Girl is in love with you Pare at ‘yung sa amin ng asawa ko (Kris Aquino), oo ‘yun ang tawagan namin ni Kris for Metro Manila Film Festival.” Say ni Vice.
 

No comments:

Post a Comment