Wednesday 8 August 2012

SAM MILBY AT JOHN PRATS NAMAHAGI NG RELIEF GOODS





Bumilib naman kami sa magkaibigang Sam Milby at John Prats dahil nabasa namin sa post ng talent handler niyang si Lulu Romero ng Star Magic sa Twitter.
 
 
 “Saludo ako sa mag best friends na sam milby at john Prats. They"r out NOW somewhere Marcos H-way area tumutulong sa mga binabaha! :)”
 
 
Kaagad naming tinext ang manager ni Sam na si Erickson Raymundo pero hindi raw niya alam ang ginagawa ng alaga niya dahil hindi pa sila nagkakausap.

Ayon sa mga nakakita ay nagbigay ng relief goods ang magkaibigan sa mga taga-Marikina na hindi nagpakuha ng TV cameras at walang kasamang print media.
 
 
Sabagay, noong bagyong Ondoy ay isa si Sam sa binaha rin sa loob ng bahay, pero nagawa pa rin niyang tumulong sa ibang tao kaya naman hindi nawawalan ng blessings ang aktor dahil marunong siyang mag-share.
 

No comments:

Post a Comment