Pormal ng sumumpa bilang bagong
miyembro ng Liberal Party si Aga Muhlach kay DOTC Secretary Mar Roxas na siya
ring president sa nasabing partido noong Biyernes ng gabi August 3.
Ginanap ang panunumpa ni Aga sa LP
Headquarters, Araneta Center, Cubao, Quezon City at saksi naman sina Oriental
Mindoro Governor Boy Umali, DILG Secretary Jesse Robredo, Bureau of Custom
Secretary Ruffy Biazon, Deputy speaker Congressman Erin Tanada, at LP Secretary
General Jun Abaya.
Sinuportahan naman si Aga ng
asawang si Charlene Gonzales-Muhlach at anak kay Janice de Belen na si Luigi
(Igi Boy), kaibigan sa showbiz na sina Bayani Agbayani, Cesar Montano at
direktor niyang si Joyce Bernal at manager niyang si Manay Ethel Ramos at ilang
kaibigang hindi taga-showbiz.
Bakas kay Aga ang saya sa ginanap na panunumpa
dahil sa rami ng sumuporta sa kanya at pakiramdam nga raw niya ay panalo na
siya sa magandang feedback din na nakuha niya mula rin sa mga kababayan niya sa
Camarines Sur kung saan kakandidato siya bilang kongresman sa ika-apat na
distrito sa 2013 elections.
Hindi naging madali para kay Aga ang desisyong
pasukin ang pulitika dahil limang taon niya itong pinag-isipan at iminungkahi
rin niya ito sa asawang si Charlene at sa pamilya Muhlach na nagpakita naman ng
suporta sa kanya.
“Matagal ko ng plano talaga, gusto kong bumalik sa
desire ko to help them (kababayan sa Camarines Sur) and make an impact talaga
sa district namin.” Bungad ni Aga ng maka-tsikahan namin sa nasabing okasyon.
Ayon kay Aga ay mahilig siyang mag-develop ng mga
lugar tulad ng ipinatayo niyang bahay bakasyunan sa Mataas na kahoy sa Batangas
kung saan nagpagawa siya ng sariling daan patungo rito dahil nga isa itong liblib
na lugar.
At ganito rin ang gusto niyang gawin sa mahirap na
bayan ng Goa, Camarines Sur, “I want to develop also tourism there, like Camsur
na dinibelop ni El Rey (Governor Rey Villafuerte).
“So kung na-develop na at pupuntahan ng mga turista
ang bayan namin (Goa), sino ba ang makikinabang no’n. Kaya lahat ng hanapbuhay na hinahanap nila,
nandoon na hindi na nila kailangang hanapin pa, sila mismo ang magde-develop ng
lugar namin.
“Tulad halimbawa na nasa Caramoan ka, at nag-aaral
ka, ilang oras ang biyahe, tatlong oras? Paano ka pa mag-aaral? So, kung lalagyan mo ng eskuwelahan ang bawa’t
lugar, halos lahat makakapasok, kaya I will try my best na gawin lahat ‘yun,
kung mananalo ako.
“May funds talaga ang government para diyan, may
budget para sa education, tourism, agriculture. Lahat ng perang ‘yun, ibagsak
mo lang lahat para do’n, yun lang ‘yun, then it becomes dirty, once it being
corrupt, then it becomes scary.
“At puwede kong gawin lahat ‘yun (gamitin ang pera
sa projects) at wala akong dapat katakutan.”
“Politicians will always say na, ‘ako ito ang gagawin ko, ito gagawin
niya’ pag-upo, hindi naman natupad lahat ‘yun, so ako, kung mananalo, lahat ng
ipinangako ng ilang taong (nangako), itutuloy ko. Ilang henerasyon na ang nangako, itutuloy ko.
“Madali lang naman kasi may budget para roon, ang
mahirap, paano ako mananalo kaya dapat ipakilala ko ang sarili ko sa mga
tagaroon.” Mahabang paliwanag ng aktor
Hindi raw siya tubong Camarines Sur kaya paano siya
iboboto ng mga tagaroon.
“First, my family is really from
Partido, taga-Goa kami. My lola is from there, my dad.
“Parang lahat ng kamag-anak ko
doon, nakilala ko na, ‘yung mga Amador, Go, Borja, Romero, Abundabar, Calleja. I
have a house there, matagal na.
At sa tanong naming mas maraming intriga/magulo sa
pulitika kaysa sa showbiz.
“Maraming nagsasabi sa akin na
magulo sa pulitika. Pero naisip ko rin, marumi ang pulitika kapag marumi ang
tao. Magulo ang pulitika kung makikigulo ka.
“At saka, okey naman ako. Okey
naman ang pamilya ko. Meron na rin naman akong naipon. Hindi ko gagawin na
hanapbuhay ang pulitika sabi ko nga, ibibigay ko sa tao kung ano ang dapat.
“Kung ano ang meron ako ngayon,
pinaghirapan ko. Sa buong buhay ko, walang makapagsasabi na nanlamang ako,
nanulot ako, nandaya o nagnanakaw ako sa kahit kanino. Hinding-hindi ko
makakaya na gumawa ng ganyan.”pagmamalaki ni Aga sa naabot niya sa showbiz at
sa kinalalagyan niya ngayon.
“Still learning” ang napangiting
sagot ni Aga sa tanong kung marunong siyang magsalita ng bikolano. Pag
tumutulong ka naman, hindi mo naman kailangang magsalita ng bikol, mas maganda
‘yung ginagawa kaysa ‘yung daldal ka lang ng daldal.” Dagdag pa.
At ang nakakatuwang kuwento ng aktor
ay tungkol sa kambal nilang sina Atasha at Andres na sobrang saya raw kapag
nasa San Jose (bayan ng Camarines Sur) sila dahil, “nakakagala sila,
nakikipaglaro sila sa mga bata roon na hindi nila nagagawa rito.
“Umaalis sila ng bahay, umaga
palang, dumarating gabi na at may mga libag sa leeg, normal na bata, naalala ko
nu’ng bata ako naglalaro ako noon sa Mandaluyong, ganu’n ako, puro dumi ang
leeg.
“Nalibot na nga nila ang buong
plaza, tuwang-tuwa sila, at magaling silang magsalita ng bikol, kaysa sa amin
ni Charlene.” Masayang kuwento ng aktor.
At base rin sa paglilibot ni Aga
ay nakita niya na mahal siya ng mga tao base rin sa yakap at hawak ng mahigpit
sa kanya na sinasabing, ‘ikaw ang pag-asa ng bayan ng San Jose’.
Kaya hindi masisi ang aktor kung
mas lalong lumakas ang loob niyang kumandidato sa nasabing bayan para tulungan
sila.
No comments:
Post a Comment