Wednesday 1 August 2012

ANG LATEST UPDATED





Simula Sabado, Agosto 4, magkakaroon ng bago at mas-fresh na entertainment show ang Kapatid Network. 

Ang Latest Updated ay magsisimula sa ika-10:30 ng umaga at sina Cristy Fermin, Mr. Fu, Amy Perez at Lucy Torres-Gomez ang main hosts. Tatalakayin nila ang lahat ng latest chika sa inyong mga paboritong artista.

Kalahating-oras lang ang Ang Latest Updated pero kung nabitin ka sa tsismis at balita, magkakaroon din ng Ang Latest Up-To-The-Minute. 

Series ito ng mga interstitials na ihahain ang pinakamainit na chika sa loob ng isang minuto. Ipapalabas ito araw-araw. 

Ang Latest Up Late naman ang papalit sa dating timeslot ng Juicy na magtatapos na rin sa Sabado. 

Punung-puno ang thirty minutes ng programang ito ng pinakabagong balitang showbiz mula Lunes hanggang Biyernes.

Tumutok na sa TV5 para malaman mo kung ano Ang Latest!


No comments:

Post a Comment