Sunday 12 August 2012

VICE: DI KO ALAM KUNG BIGAY SIYA NG DIYOS O NG DEMONYO-HA, HA, HA


Sinigurado ni Vice Ganda na maski gaano siya ka-busy ay nagsisimba siya sa Baclaran, “I pray everyday at every morning?”pagtatapat ni Vice.
 
 
Natawa kami sa kuwento ni Vice na nababago raw ang panalangin niya noong hindi siya sikat at ngayong sikat na siya.
 
 
“Nababago rin, hindi na ako ngayon masyadong humihiling.
 
 
“Kasi rati salat ka di ba, hiling ka ng hiling kasi nga wala ka, ngayon nahihiya na akong humiling, pero pag may isang bagay akong gusto, sinasabi ko talaga, ini-specify ko kasi para hindi na manghula.
 
 
“Pero kapag todo o bigat (problema), sabi ko, bahala na po kayo kung ano ang gusto ninyo.” Pagtatapat ni Vice.
 
 
Tinanong kung kasama ba sa panalangin ni Vice ang boyfriend?
 
 
“Hindi, nahiya ako sa kanya (God), ipinapanalangin ko ‘yung boyfriend, ‘yung pamilya niya, at saka kapag may problema pero hindi ko hiniling na maging kami, kasi nahihiya ako, baka kotongin akong bigla,ha, ha, ha, ha.
 
“Baka sabihin, talandi ka ah, sinabi kong bawal ‘yan, makulit ka, ha, ha, ha” tumatawang sabi ng TV host.
 
 
“Kaya nga ‘yung dyowa ko hindi ko alam kung bigay ng demonyo o bigay ng Diyos, pero hayaan mo na siya, ha, ha, ha gusto ko rin naman ‘yun.” Dagdag sabi pa ulit ni Vice.
 
 
At inamin din ni Vice na araw-araw may konyat siya mula sa Panginoong Diyos, “hindi naman perfect ang araw-araw, pero hindi naman buong araw sa 24 oras tsaka, sabihin mo ng limang (5) oras ang tsaka, may nineteen (19) na oras na maganda. Kaya nagpapasalamat pa rin ako.”
 
Samantala, inamin din ni Vice na walang nabago sa kanya pagdating sa pagkain dahil kung ano ang kinakain niya noong wala siyang pera ay iyon pa rin ang mga gustung-gusto niyang pagkain ngayon.
 
 
“Nagkakamay ako kapag kumakain, ulam ko galunggong.  Masarap magluto mga bakla (kaibigan) ko sa bahay.  May mga kaibigang bakla ako sa bahay, sila ‘yung mga kasa-kasama ko noong high school pa ako, hindi na kami naghiwa-hiwalay.
 
 
“Kaya noong nagpagawa ako ng bahay, may sarili talaga silang kuwarto sa bahay ko.
 
 
“Kaya nga ako nagpagawa ng sarili kong bahay para may kuwarto sila, yung nauna kasi para sa pamilya ko, siyempre hindi naman naming puwedeng gawin ang gusto naming gawin ‘yung mga eksena naming mga bakla kapag nandoon ang nanay ko, baka maloka naman siya.” Kuwento pa sa amin.
 
 
At tatlo na raw ang bahay ngayon ni Vice kaya ang tanong namin ay kung magkano na ang worth niya bilang artistang sikat.
 
 
“I’m immeasurable,” one-liner sa amin sabay tawa ng hitad.
 
 

No comments:

Post a Comment