Masuwerte ang mga kapatid nating Muslim na nasalanta rin ng baha ng ulang habagat dahil kaagad silang sinaklolohan ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez.
Simula raw no’ng bagyong Gener ay naka-monitor
na si Robin at naga-abot nan g tulong pero nu’ng tuluy-tuloy na ang ulan
pagkaalis ng bagyo ay dito na nagi-ikot ang aktor sa village nila kasama ang
asawang si Mariel at nakitang maraming binahang kapitbahay kaya hinikayat
niyang doon muna sa gym niya sa bahay tumuloy.
Hindi na humingo ng tulong ang aktor sa gobyerno
dahil ayaw na niyang maka-istorbo pa at mas maraming kababayan tayong mas dapat
bigyan ng atensyon ng mga kinauukulan.
Sa sariling bulsa ni Robin nanggaling ang
mga ipinambili ng gamot, pagkain, bigas, kumot at ibang pangangailangan at
malaking tulong daw na nagpadala ang mga produktong ini-endorso niya tulad ng
555 Tuna sardines, noodles, nutrigo at Skyflakes.
Bukod
dito ay dinala rin ni Robin ang ilang elderly people sa Westview Clinic
Hospital sa may Fairview dahil sa hindi malamang sakit na pabalik-balik.
Ayon
pa sa kuwento ni Mariel, “nabalitaan namin na may Mosque na wipe-out kaya super
rush kami (2AM) Bibigyan namin ng hot
food na ako ang nagluto.”
Sa
ilang araw na hindi huminto ang ulan ay halos tig dalawang (2) oras lang parati
ang tulog nina Robin at Mariel dahil sa kamo-monitor sa mga nabaha at buong
araw silang nag-pack kasama ang mga kapatid na Muslim ng aktor para naman daw
sa mga kapitbahay nila sa Fairview bukod pa sa mga nakikituloy ngayon sa
Liwanag ng Kapayapaan Foundation dahil wala ng mauwian.
Samantala,
anak-mayaman si Mariel, pero nae-enjoy niya ang ganitong buhay at mas
nakakaramdam daw siya ng kasiyahan kapag may mga napapangiti silang kababayan.
“It’s
my birthday (August 10) today Reggs, at ito na ang handa ko, at ito ang gusto
ko talaga.” Kuwento ng TV host/
Matatandaang
ganito rin halos ang nangyari noong nakaraang taon kina Mariel at Robin na
dinalaw nila ang mga kapatid sa Mindanao (Iligan at Cagayan de Oro) na
nasalanta rin ng bagyong Sendong na halos winalis ang mga lalawigang nabanggit.
Ang
isang milyong naitabi ni Mariel para ipang-down sana sa kotseng bibilhin niya
ay ipinambili niya ng mga kailangan ng mga biktima ng Sendong bukod pa sa
namigay din sila ng tulong pinansiyal sa mga ito.
Masuwerte
rin si Robin sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Mariel dahil naglalabas din ito
ng sarili niyang pera bukod pa sa kaagapay niya sa lahat ng ginagawa niya.
“I
love Robin Reggs, alam mo naman ‘yan, di ba?
At lahat gagawin ko para mapasaya siya parati and masuwerte rin ako
because Robin has a big heart, hindi siya maramot na tao kaya sobra ko siyang
mahal.” Paulit-ulit na sabi ni Mariel sa amin.
No comments:
Post a Comment