Kilalang aktres inililihim ang nalalapit niyang pagpapakasal sa
kanyang non-showbiz boyfriend.
Balitang nagpakasal na ang kilalang aktres sa non-showbiz
boyfriend niya ng magpunta sila sa ibang bansa pero ang totoo ay hindi pa dahil
mas gusto ng dalawa na sa Pilipinas sila magpakasal.
At sa tuwing tatanungin ang aktres tungkol sa isyung ito ay
hindi naman niya itinatanggi o inaamin dahil ayaw niyang matanong pa ng kung
anu-ano.
Ang pinagkaka-abalahan ngayon ng aktres ay ang nalalapit nilang
pagpapakasal ng non-showbiz boyfriend niya na magaganap sa isang sikat na resort sa Pilipinas na sana lang walang bagyo
dahil parating binabagyo ang lugar na ito.
Masaya kami para sa kilalang aktres sa nalalapit niyang kasal
dahil pangarap niya ito noon pa at sana hindi na siya magkamali muli sa pagpili.
Kaya lang may nag-tsika sa amin, may sabit daw ang lalaki? Sana hindi ito totoo.
No comments:
Post a Comment