Sunday 5 August 2012

KATHRYN, NATAKOT KAY GRETCHEN BARRETTO





Tinututukan ang Princess and I dahil sa acting showdown nina Gretchen Barretto  bilang si Ashi Behati at primetime princess na si Kathryn Bernardo bilang si Mikay bukod sa kilig scenes niya kasama sina Daniel Padilla, Khalil Ramos, at Enrique Gil.
 
Aminado si Kathryn na noong simula ay takot siyang ka-eksena si Gretchen ngunit nang lumaon ay nakagaanan na niya ito ng loob.
 
 
“Sobrang kinabahan po talaga ako! Mula sa isang scene namin sa Bhutan, hanggang sa mga unang eksena namin dito sa Pilipinas, super kabado pa rin ako kay Ms. Gretchen," kuwento ni Kathryn.
 
 
"Nakaka-starstruck po kasi siya. Lahat kami, napapa-wow sa ganda niya. Pero very cool lang po siya sa set. Gusto niya happy ang lahat.”
 
 
Habang nagiging close sina Kathryn at Gretchen sa likod ng kamera, tumitindi naman ang hidwaan ng mga karakter nila sa telerserye.
 
 
“Ngayong papalapit na ng papalapit ‘yung oras na malalaman na ni Mikay na princess siya, mas dumadami pa ang eksena naming magkasama ni Ashi Behati na dapat abangan ng lahat,” aniya.
 
 
May magagawa pa ba si Ashi Behati sa paglabas ng katotohanang buhay at si Mikay ang nawawalang prinsesa ng Kaharian ng Yangdon?
 
 
Ano ang gagawin ni Haring Anand (Albert Martinez) sa sandaling matuklasan niya na si Ashi ang utak ng aksidente ng kanyang mag-ina?
 
 
Samantala, magkakaroon ng show sina Khalil, Kathryn at Daniel sa Zirkoh Morato sa Agosto 20, 10PM na may titulong Princess and Us kasama ang Sexbomb dancers.  At para sa ticket inquiries ay maaring tumawag sa (Reggee) 0917-4398587, (Zirkoh) 376-7287 at SM Ticketnets.
 
 
                                                   Xxxxxxxx
 

No comments:

Post a Comment