Wednesday 8 August 2012

SYLVIA SANCHEZ, MAY TRAUMA NA SA BAHA



Isa rin sa lumikas sa bahay nila sa Ortigas Extension ang pamilya ni Sylvia Sanchez kasama ang apat na anak na sina Arjo, Ria, Gela at Xavi kasama si papa Art at kasalukuyan silang naka check-in sa isang hotel sa Ortigas Center.
Ayon kay Ibyang (palayaw ni Sylvia) ay Lunes palang ng gabi ay umalis na sila sa bahay nila dahil baka maulit na naman ang nangyari noong bagyong Ondoy, tatlong taon na ang nakararaan.
 
“Inunahan na namin ang baha, kasi no’ng Ondoy, ang bilis ng tubig umakyat sa bahay, kaya hindi kami nakaalis kaagad.
 
“Kaya nu’ng hindi na humihinto ang ulan, umalis na kami ng mga anak ko, nag check-in na kami kaagad, naiwan dalawang kapatid ko, drivers at yayas sa bahay, ayaw nila umalis, eh. 
 
“Magbabantay daw sila, sabi ko iwan na lang, ayaw nila, e, mabuti na lang at maraming pagkain may groceries naman ako.
 
“May trauma na ako, lahat kami, mga anak ko, nanginginig sa takot, di ba, buntis ako no’ng nag-Ondoy kaya ayoko na talagang maalala ‘yun.” Pahayag ng aktres.
 
At talagang naka-monitor din si Ibyang sa lahat ng balita at panay ang post niya sa Facebook at Twitter account niya,nakikita ko sa tv, Nanginginig na mga bata sa lamig:( ang sakit sakit sa dibdib:( dami na mga namamatay:( haaaaaaayyyyyy!!! LORD GOD!! Please please wag nyo po pabayaan ang sangkatauhan!! Nagsusumamo po kami sa inyo!!
 
At ang latest niyang balita ay pumasok na sa loob ng bahay niya ang tubig baha, “Ayun o! Humampas ang Fortuner sa gate namin, wasak!! Ayos! Mas lalong lumakas ang tubig papasok sa bahay namin:( hahahaaaaayyyyy!!”
 
 
Samantala, abut-abot pa rin ang panalangin ng pamilya Atayde na sana ay huminto na ang ulan para bumaba na ang baha sa lahat ng apektadong lugar sa buong Metro Manila at karatig lugar.
 

No comments:

Post a Comment