Friday 27 July 2012

YOUNG ACTRESS, INAAYAWAN NG TALENT HANDLERS



Dahil sa sobrang pasaway na batang aktres ay ilang beses ng nagpalit ng talent handler say mismo ng isa sa naging handler niya.
Kuwento sa amin,"Okay naman ‘yung bagets, siguro dahil sa nanay niya kaya minsan naiiba ang ugali.  Kasi minsan okay, minsan may topak, e, ayoko sa lahat ng matigas ang ulo kasi pag marami kang hawak (artista) at namumukod tanging isa lang ang pasaway, nakakairita.
“Pinagsasabihan ko, nakikinig noong una, tapos biglang maiiba na naman, sasabayan pa ng nanay na akala mo sobrang sikat nan g anak, demanding, e, pag ganyan, binibitawan ko na."
Hanggang sa umabot na sa apat na handler ang batang artista na nanghihinayang kami dahil may potential naman sa pag-arte pero kung ganito ang ugali, e, hindi manghihinayang ang mga ka-trabaho at manager niyang i-freeze siya.
At para sa mga magulang nan aka-isa o dalawang serye palang ang anak, e, huwag naman lalaki kaagad ang mga ulo ninyo dahil hindi naman basehan iyon para maging demanding kayo.
‘Yan ang tinatawag na nalulunod sa isang basong tubig.  No wonder hindi rin pala gaanong type ng entertainment press ang batang aktres na ito at isa na kami roon dahil hindi siya umaamin sa mga isyu maski na kitang-kita na namin, hayz.

No comments:

Post a Comment