Maraming
nagtataka kung bakit hindi nagpapansinan sina Enchong Dee at Julia Montes sa presscon
ng The Reunion mula sa Star Cinema noong Martes ng gabi sa Dolphy Theater
habang nagkakasayahan ang buong cast tulad nina Xian Lim, Kean Cipriano,
Enrique Gil, Mat Evans, Megan Young, at Bangs Garcia puwera si Jessy Mendiola
na masyadong seryoso.
Halatang-halata
kasing pinipilit lang ni Julia ngumiti kapag may nagpapatawa kina Kean, Xian,
Enrique at Enchong samantalang ang huli naman ay hindi gaanong tumitingin sa
batang aktres.
Kaya
mas naniwala tuloy kami na baka nga may tampuhan ang dalawa.
Kaya
naman pagkatapos ng Q and A ay kaagad tinanong si Enchong kung may tampuhan
sila ni Julia.
“E,
di effective pala kami ngayon?” balik-tanong ng aktor sa mga nagtanong na
katoto, “Wala, wala, okay kami,”dugtong ni Enchong, “nasa press conference kasi
kami,”
Samantala,
during the Q and A ay tinanong isa-isa ang cast ng The Reunion kung kanino nila
gustong ma-in love.
At
natagalan bago nakasagot si Julia na tila gustong umiwas, pero hindi siya tinantanan ng media.
“Ito
na yata ang pinakamahirap na tanong (media) sa akin, ano, ‘yun nga po, si
Enchong,” natatawang sagot ni Julia at palihim namang napangiti ang aktor.
Sabay
hiyawan ang fans ng dalawa sa balcony section ng Dolphy Theater kaya wala na
kaming marinig sa sagot ni Julia.
Bakit
si Enchong?
“Kasi
naging close ko siya since nu’ng Shout Out (TV series, 2010) at sa lahat ng
boys (Kean, Xian, Mat at Enrique) kung baga, siya lang ‘yung kakilala ko, so
‘yun,” paliwanag ni Julia.
Kaya
naman ibinalik din ang tanong kay Enchong kung sino sa girls ng The Reunion
niya gustong ma in-love?
“Si
Julia, “seryosong sagot ng binata at hiyawan na naman ang fans na talagang nabibingi
na kami.
At
ang reaksyon ni Enchong na siya ang pinili ni Julia, “thank you. Si Julia, kasi masaya ako kapag kasama ko
siya,” pag-amin ng aktor.
Kaya
naman tinanong si Enchong pagkatapos ng Q and A kung ano na ang lagay ng
panliligaw niya ngayon kay Julia dahil nabanggit niyang masaya siya, ibig
sabihin ay ‘sila’ na?
“Ilang
months na lang ba? (para maging 18 si Julia), o seven months na (nanliligaw)
kaya dahan-dahan lang.”sabi ng binata.
Pagtuntong
ba ni Julia ng disiotso ay makakamtan na ni Enchong ang inaasam-asam niyang ‘oo’?
“Ay
hindi, depende ‘yun sa kanya kung ano pa ‘yung kaya kong gawin. Nagpapahiwatig pa rin,”pag-amin ng aktor.
Ano
nga bang mayroon sa leading lady nina Paulo Avelino at Coco Martin sa Walang
Hanggan kung bakit nagtitiyaga si Enchong sa panliligaw.
“Hindi
ko masabi, eh, it’s just happened, mararamdaman mo ‘yun.” Saad ng binata.
At
para hindi masira si Enchong kay Julia, “huwag akong maloko, huwag akong
pasaway, di ba? Dapat seryoso ako.”
Samantala,
tinanong namin kung sino ang date ni Enchong sa darating na Star Magic Ball.
“Aha,
kung mapapayagan siya (Julia), kung hindi man siya, tingnan natin, masuwerte
kung siya,” nakangiting sagot ng aktor.
Sa
madaling salita ay hindi pala siguradong sina Enchong at Julia ang
magka-partner?
“Hindi
pa, eh. Kasi, depende.” Kaswal na sabi.
Pero
pagdating sa movie at TV projects ay ayaw ni Enchong na maka-trabaho si Julia
dahil siguro baka magkaroon sila ng problema lalo na kung may tampuhan sila sa
isa’t isat.
“Hindi
ko alam, pakiramdam ko lang.” mabilis na sagot ni Enchong.
At
muling tinanong si Enchong kung ilang buwan na siyang nanliligaw sa batang
aktres at sabi lang niya ay kailan lang, pero kaagad namin siyang binalikan ng
tanong na, ‘parang ang tagal na mula ng makita namin kayong nagdi-dinner
(Bellissimo Restaurant) ni Julia’ at natawa ang aktor.
Samantala,
tinanong namin ng diretso si Enchong kung kinausap ba siya ng mommy ni Julia
tungkol sa panliligaw niya na dapat sa bahay nililigawan at hindi sa text/cellphone
na mala- Mommy Divine ang peg.
Natawa
ang binata, “hindi, masuwerte ako na hindi,”
Samantala,
mapapanood na ang The Reunion sa Agosto 15 mula sa direksyon ni Frasco Mortiz handog
ng Star Cinema.
No comments:
Post a Comment