Friday 27 July 2012

NANAY NG TEENSTAR, KINAIIRITAHAN

Hindi na kami magtataka kung isang araw ay hindi na papuntahin sa taping ng anak ang nanay ng kilalang teenstar dahil sa masamang ugali nito.

Kuwento mismo ng mga artistang kasama ni teenstar sa taping ng umeereng serye ay sobra kung mang-alipusta raw ang nanay ng bagets sa mga tao sa produksyon.

Maliit ang kalyeng dinadaanan patungo sa lugar ng taping ng teenstar at paroo't parito ang mga tao bukod pa na rito rin itinayo ang tent ng mga artistang nagsilbing pahingahan.

Dumating daw ang nanay ng teenstar at dahil sobrang laki ng van na dala ay nahirapang pumasok sa makitid na kalye patungo sa taping kaya't panay ang busina ng drayber sa mga tao kasama na ang production staff.

At dahil natatagalang makapasok ay pinagsisigawan ng ina ni teenstar ang mga taong nasa kalye ng, "hindi ba kayo tatabi?  sasagasaan ko kayo makita ninyo!" at laking gulat ng mga nakarinig kasama na ang mga artistang nasa set.

Nagkatinginan na lang daw lahat ang mga artistang kasama ni teenstar na dedma lang sa inasal ng ina kaya't naisip ng lahat na kaya pala kakaiba rin ang ugali ng bagets ay dahil mana sa ina.

Mataas ang ratings ngayon ng serye ni teenstar kaya siguro mayabang ang ina dahil feeling niya ay super sikat na ang anak na ngayon palang nagkaroon ng solong programa.

Sabi mismo ng mga artista at taga-produksyon na nakaalam ng kuwento sa ginawa ng nanay ni teenstar, "goodluck kung maka-ulit pa ang anak niya sa unit ni (pangalan ng business unit head), hindi ba niya alam na maski gaano kataas ang ratings ng programa at gaano kagaling ang isang artista kapag may attitude ay inaayawan na?





No comments:

Post a Comment