Nakitang nagtutulak ng lumang
kotse niya sa kahabaan ng Makati Avenue, Makati City ang kilalang komedyante
dahil tumirik ito.
Base sa kuwento ng aming
source ay isang taon at kalahating hindi ginamit ng kilalang komedyante ang
kotse niya na naka-parada lang sa bahay nila dahil mga sasakyan ng asawa niya
ang ginagamit niya.
Mga kotseng Starex Limousine,
Hummer, BMW, Mercedez Benz at Grandia ang halinhinang ginagamit ng kilalang
komedyante kapag may lakad siya at papasok sa opisina kaya naman sikat na sikat
siya.
Ang nakilalang simpleng
komedyante ay naiba raw ang lifestyle simula ng mag-asawa ito ng kilalang negosyante,
pero hindi naman daw nagbago ang ugali ng komedyante, nanatiling nakatapak ito
sa lupa at hindi rin niya pinagsamantalahan ang kabaitan ng asawa.
Pero ng naghiwalay
silang mag-asawa ay kusang ibinalik din ni kilalang komedyante ang mga susi ng
mga mamahaling sasakyan, mga mamahaling relo na hindi mabilang kung ilan at iba
pang mamahaling gamit na ibinigay ng asawa para patunayang hindi ito ang hangad
niya.
Nabalitaan ito ng asawa
at awang-awa siya sa kilalang komedyante, pero wala naman siyang magagawa dahil
ito ang desisyon ng asawa, ang muling bumalik sa nakagawiang buhay.
No comments:
Post a Comment