Para kaming luka-luka habang nanonood kami ng pelikulang Bwakaw na entry sa 2012 Cinemalaya Film Festival na idinirek ni Jun Lana dahil habang umiiyak kami ay bigla naman kaming tatawa sa mga eksenang pinaggagawa at pinagsasabi ng bidang si Eddie Garcia.
Una, humalakhak kami dahil jologs ang mga salitang ginamit at aliw naman ang lahat sa mga one-liner ni Rene (ginampanang papel ni Eddie) na hindi mabilang kung ilang beses pinalakpakan ang pelikula.
Umiyak kami ng todo ng malaman ni Rene na may cancer si Bwakaw na bilang na ang araw kaya naman problemado ang amo dahil mawawalan na siya ng kasama araw-araw maski saan siya magpunta at kausap kapag nalulungkot at nakaka-intindi sa tunay niyang pagkatao dahil isa siyang malungkot na matandang bading.
Asong kalye si Bwakaw at dahil naramdaman niya ang pagmamahal ni Rene ay hindi na niya iniwan ito, pero nauna pa siyang mamatay kaysa sa amo niya na naging dahilan kung bakit nagi-iyakan ang mga nanonood.
Hagalpakan na naman ang manonood pagkatapos mag-iyakan dahil umabot sa 60 years old si Rene na hindi nagkaroon ng boylet ay biglang nagkagusto sa isang sangganong traysikel drayber na si Rez Cortez bilang si Sol na may asawa’t mga anak.
Naging magkaibigan sina Rene at Sol at pinakiusapang ayusin ang mga sirang sa bahay niya at ng minsang mag-inuman sila at nalasing ay hindi napigilan ng una ang sariling halikan ang lalaking nagpatibok ng puso niya pagkalipas ng 60 years habang tulog at dito nagising na talagang nagulat at saka nagtatakbo at simula noon ay hindi na sila naging magkaibigan.
True to life story ito ni Rene Villanueva (1954-2007), prolific writer ng Batibot na kaibigan nina Jun Lana at bilang pagalala ay isinapelikula ang buhay niya mula sa tulong ng mga producer na sina Mr. Tony Tuviera, Jojo Oconer, Rams David at ang number one supporter ni direk na si TV5 executive, Perci M. Intalan.
Marami ang nakaka-relate sa pelikulang Bwakaw at isa na kami roon na mahilig sa aso at talagang tuwang-tuwa kami kay Princess (tunay na pangalan ni Bwakaw) dahil marunong mag-pose kapag kinukunan ng picture at take note, ateng Maricris, naka costume siya with headdress na kulay fuschia at magaling umarte pa.
Xxxxxxxx
No comments:
Post a Comment