Friday 27 July 2012




Nagpasalamat na ang lahat ng Paparazzi hosts na sina ‘Nay Cristy Fermin, Dolly Ann Carvajan, Zoren Legaspi, at regular guest co-host Congresswoman Lucy Torres-Gomez sa lahat ng sumubaybay sa nasabing programa sa loob ng dalawang taon at abangan daw sa susunod na Sabado (Agosto 4) ang magandang pagbabago at mas matitinding isyung dapat tutukan ng manonood.
 
 
Sa madaling salita ay namaalam na ang nasabing programa at papalitan na ito ng ibang talk show na sila rin ang hosts?

Pero ayon naman sa taga-TV5 ay wala pang line-up kung sino ang mga bagong host na kukunin dahil nga kailangan din nilang magpalit.
 
 
Matagal ng nababalitang mawawala ang mga programang Paparazzi at Juicy, pero sabi nga ng head ng creative at entertainment na si Perci M. Intalan ng makausap namin sa launching ng tatlong programa ng TV5 ay hangga’t umeere ay hindi mawawala, pero aniya, hindi siya ang ‘network’ kaya wala sa mga kamay niya ang desisyon kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw.
 
 
At base na rin sa mga naririnig namin at nasulat sa mga pahayagan na kinukuwestiyon na raw ang malaking gastos ng dalawang programa kaya kailangang magbawas na, ang tanong, ano at sino ang babawasan?
 
 
Nauna ng binalasa raw ang mga empleyado sa News and Public Affairs ng TV5 at pinag-isa na lang daw ang dalawang departamento kaya’t isinunod na ang entertainment production.
 
 
Masyado kasing malaki ang budget na inilaan sa reality show na Artista Academy kaya ibang programa ang nagsa-suffer kaya sana itong AA, e, huwag niyang biguin ang manonood para worth it sa mga nabawasan o nawalan ng trabaho sa mga programang Paparazzi at Juicy.
 
 
                                             Xxxxxx

No comments:

Post a Comment