Halatang bad trip ang isang aktres ng dumalo siya sa isang event dahil napagalitan
pala siya ng taong in-charge sa okasyon.
Super
late na raw dumating ang aktres tapos hindi pa naka-make up kaya naman
tinalakan siya ng taong in-charge ng event kaya nagmamadaling nag-ayos ng
sarili bago nakipag-tsika-tsika sa mga bisita.
Ang
paliwanag naman ng kampo ng aktres ay galing daw sa out-of-town event at delayed
ang flight dahil sa bagyong Gener, pero katwiran naman ng taong in-charge sa
event na hindi katwiran iyon dahil alam niyang may event siya sa Manila, e, di
sana hindi tumanggap ng raket sa probinsiya.
Puwede
naman kasing rumaket kung nakarating ng maaga, nagkataon lang talaga na
binabayo ng bagyong Gener ang Luzon, Visayas at Mindanao kaya naantala ang paglipad
at paglapag ng eroplanong sinakyan ni aktres.
Anyway,
ang aktres na ito ay sobrang pasaway kaya iniiwanan siya ng handlers niya.
No comments:
Post a Comment