Tuesday 23 October 2012

MARKKI STROEM, MAY BABY NA!






Pinadalhan kami ni Pilipinas Got Talent Season 1 finalist Markki Stroem ng una niyang album na nay titulong Thousands of Pieces na release ng Cornerstone Music na siya mismo ang nag-produce.
 
 
Nang marinig naming kumanta si Markki kapag guest siya ni Richard Poon sa mga mall show ay nabanggit naming Michael Buble ng Pilipinas dahil pareho sia ng musika ng Canadian Jazz artist.
 
 
At nabanggit din namin noon kay Richard na iisa ang kinakanta nila dahil napakinggan din namin ang version ni Markki ng Moon River at Can’t Help Falling In Love, pero kaagad ikinatwiran ni RP (tawag kay Richard) na magkaiba sila ng tunog ng produkto ng PGT.
 
 
Hanggang sa bihira na naming mapanood sa TV si Markki at nang tanungin namin siya sa manager niyang si Erickson Raymundo ay busy daw sa workshop at pagdi-direk ng music videos bukod pa sa pagpo-produce rin ng shows.
 
 
Sa madaling salita, musika ang gusto ni Markki at hindi ang umarte sa harap ng TV camera tulad ng kapatid niya sa Cornerstone na si Sam Milby na produkto rin ng reality show na Pinoy Big Brother.
 
 
Sayang nga at hindi namin napanood sa Music Museum ang una niyang show noong Pebrero 14, 2012 kasama ang G-Force na may titulong Make Me Sweat na talagang ipinakita niya ang pagiging tunay na artist.
 
 
Kaya naman muli siyang hinilingang magkaroon ng repeat, pero naging sobrang busy na sa musical play si Markki na Next to Normal na ginanap sa RCBC Plaza kasama sina Menchu Lauchengco at Jett Pangan.

 
Hanggang sa nalaman na lang namin na may tinatapos na album si Markki na siya mismo ang producer at dahil nabanggit namin noon sa kanya na gusto naming mapakinggan kaya personal niyang ipinadala ito sa amin at nagpapasalamat sa suporta.
 
 
Inamin ng guwapong singer na natagalan bago niya natapos ang Thousans of Pieces album dahil, “yes, it took years. I wrote eight songs and I wanted to make its something different. Because I didn’t want it to be too generic ‘cause there’s already that sound and I wanted to make it something new.”
 
 
Ang sikat na awitin at hit sa youtube na Call Me Maybe ay binigyan ng ibang areglo ni Markki na nakaka-intriga dahil ginawa niyang jazz.
 
 
Sa totoo lang, sobrang taas ng musika ni Markki kaya tinanong namin ang publicist niyang si Gian Carlo Vizcarra kung ano ang target market ng album, “international yata” ang sabi sa amin.

 
Pero nasa number two ang Thousands of Pieces album ni Markki sa OPM category at number 4 naman sa over-all category sa Astrovision mula September 17-23, 2012.
 
 
 May sinulat ding tagalog song si Markki na may titulong Kung Pwede Lang Ibalik na dedicated niya sa kanyang ex-girlfriend na iniwan siya kamakailan.

 
Kaya pala halos lahat ng litratong ginamit sa album niya ay may mga dala siyang maleta at basa ng ulan habang naglalakad kasi, “ito ‘yung araw na iniwan siya at gusto niyang maalala ang araw na iyon,” natawang kuwento sa amin ng taga-Cornerstone.
 
 
At dahil ginawan ng music video ni Markki ang awiting Steal Your Soul kasama si Zia Quizon kaya sila na-link.
 
 
At mas lalo pang nagduda ng banggitin mismo ni Markki na isa nga si Zia sa girlfriends niya na dala-dala niyang album sa kotse niya.
 
 
“I have four girlfriends in my car. So it’s my album and then four girlfriends, I have Adele. I have Esperanza Spalding, I have Lana del Ray, and I have Zia Quizon.
 
 
“And all of their albums are in my car. And it’s just on shift, those four. And those are the four girls. And then, I have Maroon 5, I have John Legend.

 
“But those four are my four girlfriends. They’re the ones sitting next to me when I drive. Cause I write, sometimes when I drive. Traffic. And then it starts coming out.” Aniya.

 
Kasama rin sa nasabing album ang mga awiting Illicit Activities, Fall From Grace, Iron Curtain, Cradle, Toxic at Exchanging Glances.
 
 
“I really consider this my ‘baby’ because I have been a part of the whole creative process,” says Markki. “I am very thankful that I was given this chance to work on a very personal album like this.” He also added that he is mighty thankful that he got to work with some of the most artistic people in the business – singer Zia Quizon, production house Generation M and his own band.” Pahayag ni Markki.
 
 
Samantala, hindi lang sa musika malupit si Markki dahil isa siya sa tinilian sa nakaraang top 10 hottest men sa Cosmopolitan Bachelor Bash dahil walang takot na underwear lang ang suot.
 
 
                                              Xxxxxx

Tuesday 11 September 2012

KILALANG AKTOR/PULITIKO, MALAPIT NG AMININ ANG RELASYON SA KILALANG AKTRES

Malapit na raw aminin ng kilalang aktor/pulitiko ang relasyon nila ng kilalang aktres na matagal na ring nababalita ngayon dahil alam niyang lalabas din naman ito maski na anong gawin nilang tago.


Kailan naman kaya nila aaminin ang kanilang relasyon, "bago matapos ang taon (2012), promise 'yan, ako mismo ang aamin kasi baka nahihiya si (pangalan ng aktres).


May mga inaayos pa raw kasing papeles ang kilalang aktres kaya ayaw pang aminin kung anuman ang namamagitan sa kanila ng kilalang aktor/pulitiko.


Matagal na naming alam ang relasyon nang dalawa, isang taon at kalahati na namin itong itinago base na rin sa pakiusap ng aktor/pulitiko dahil nga ayaw niyang malagay sa alanganing sitwasyon ang kilalang aktres.


Basta ang masasabi lang namin, lagi naming iniingatan ang buhay pag-ibig ng kilalang aktor/pulitiko dahil hindi na siya iba sa amin.  At ang kilalang aktres ay mabait at marunong siyang maglambing sa amin.





Monday 3 September 2012

DANIEL, GRABE MANGGIGIL KAY KATHRYN


Obvious na may relasyon na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo pero hindi nila inaamin dahil ilang beses na namin silang nahuhuling magkahawak ang kamay sa isang event at kapag napansin ng batang aktres na may nakatutok na kamera ay bigla siyang bibitaw sa kamay ng batang aktor.
 
 
At minsan ay nakita rin naming nagbibiruan hanggang sa manggigil si Daniel kay Kathryn sabay hawak sa magkabilang pisngi ng dalagita na hindi naman tinanggal ng huli.
 
 
Si Daniel lang naman ang binibigyan ni Kathryn ng karapatang hawakan ang kamay at pisngi niya kumpara kinta Enrique Gil at Khalil Ramos kaya ano ang tawag do’n?
 
 
Samantala, abut-abot ang pasalamat ni Kathryn sa lahat ng sumusuporta ng Princess and I, “sa lahat po ng nanonood sa amin, maraming-maraming salamat po sa gabi-gabi ninyong pagsuporta. 


"Dahil po sa inyo ay pataas nang pataas pa ang ratings namin," ani ng young actress. "Para po sa inyo kaya mas pinagaganda pa po namin ang 'Princess and I."
 
 
Kamakailan ay muli na namang namayagpag sa ratings ang teleseryeng pinagbibidahan nina Kathryn, Gretchen Barreto, Albert Martinez, Enrique Gil, Khalil Ramos, at Daniel Padilla. 


Base sa datos ng Kantar Media noong Miyerkules (Agosto 29) at naging number 2 most-watched TV program sa buong Pilipinas ang "Princess and I" taglay ang national TV ratings na 38.2%, o lagpas 20 puntos na kalamangan kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na "24 Oras" na nakakuha lamang ng 16.9%.
 
 
Kaloka, tinalo ang news program ng GMA-7 na ilang taong namamayagpag?                         
 

Saturday 25 August 2012

'YUN DIN ANG FEELING KO, KAMI NA, KASO HINDI. EH' - DANIEL



 
Dahil sa phenomenal success ng loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel sa kilig-seryeng Princess and I ay gagawa na sila ng pelikulang sila mismo ang bida.


Sa ngayon ay tinatapos muna nina KathNiel ang pelikulang Sisteraka na pagsasamahan nina Kris Aquino at Vice Ganda bilang entry ng Star Cinema ngayong 2012 Metro Manila Film Festival.
 
 
At si Daniel naman ay kasama sa pelikulang Kuratong Balaleng kasama ang tito Robin Padilla at amang si Rommel Padilla.
 
 
Sa susunod na taon naman uumpisahan nina Daniel at Kathryn ang sarili nilang pelikula kaya naman sobrang hectic ng schedule ng panganay na anak ni Karla Estrada kay Omeng (Rommel).
 
 
Sabi nga ng handler ni Daniel na si Luz Bagalacsa nu’ng nagpapa-sked kami ng repeat ng Princess and Us sa Zirkoh Morato bago matapos ang 2012 ay kaagad kaming sinagot ng, “naku, Reggee, punumpuno po ang schedule ni Daniel hanggang January 2013.”
 
 
Busy as a bee pala ang binatilyo kaya pala sa tuwing makikita’t makakausap namin siya ay namumungay ang mga mata at idinadaan lang sa pangungulit para siguro magising-gising siya.
 
 
At sa ginanap na thanksgiving party ng Princess and I noong MIyerkules ng gabi sa Cerchio Restaurant ay nahuli ng dating si Daniel dahil pinakiramdaman muna ang sarili kung kaya niyang bumiyahe dahil kasalukuyan palang nilalagnat ng gabing iyon ang leading man ni Kathryn.
 
 
Hindi ito sinabi ni Daniel sa amin kundi nabanggit lang ng talent handler na naroon din sa nasabing okasyon.
 
 
Feeling din namin na hindi kayang hindi makita ni Daniel si Kathryn nu’ng gabing iyon kaya nagpilit pa rin siyang pumunta bukod pa sa gusto rin niyang magpasalamat sa lahat na ang Princess and I ang una niyang teleserye sa ABS-CBN simula noong i-launch niya pagkatapos ng Gimik.
 
 
At sa panayam namin kina KathNiel kung ano ang pakiramdam ni Gino (karakter ni Daniel) sa balitang maraming nagkakagusto kay Mikay (karakter ni Kathryn) lalo na si Dominique Roque na aminadong crush niya ang dalagita.
 
 
“Salamat! Siyempre, ‘yung gusto kong babae, gusto rin niya,” kunwang galit na sabi ng batang aktor.
 
 
Paano kung ligawan ni Dom si Kath, “E, di ligawan niya po, okay lang naman sa akin.  Ayoko po ng away.  Sawang-sawang nap o ako sa away, e, kami naman po ni Kathryn (sabay titig), basta, alam mo na ‘yun!” paalalang sabi ni DJ sa leading lady niya.
 
 
Bakit nabanggit ng batang aktor na ‘sawang-sawa nap o ako sa away’, palaaway ba siya rati?
 
 
“Opo, hindi na ngayon.” Mabilis naman nitong sagot.
 
 
At aminadong mainitin ang ulo ni Daniel na nakuha raw niya ang ugaling ito sa Padilla.
 
 
“Opo, sakto Padilla talaga ugali ko.” Sambit ng anak nina Rommel at Karla.
 
 
Samantala, hindi nagustuhan ni Daniel ng tanungin namin si Kathryn na sobrang haba ng buhok niya dahil maraming nagkaka-gusto sa kanya.
 
 
“Ayoko pong sinasabi pag mahaba ang buhok ni Kathryn, ‘haba ng hair mo, ayoko, yoko no’n!” pagkadiin-diing sabi ni DJ.
 
 
Kaya nagulat kami at tinanong namin kaagad ang binatilyo, “ayoko po!  Kasi feeling ko, ang daming lalaki sa buhay ni Kathryn.”birong seryosong sabi ni Daniel.
 
 
Hindi rin nagustuhan ni Daniel ang isyung nagbababad si Kathryn sa condo unit niya.
 
 
“Napaka-bastos po ng isyung ito, hindi ko gusto ‘yung salitang nagbabad po siya sa condo ko, hindi po maganda ito para sa isang babae na nagbabad siya sa condo.”paglilinaw ng binatilyo.
 
 
E, kasi naman, wala pa namang condo unit ang batang aktor at nakatira siya sa Pasig City kasama ang mga kapatid at inang si Karla.
 
 
Samantala, inamin naman ni Kathryn na sa rami ng naka-trabaho niyang aktor ay si DJ daw ang pinaka-maalaga sa kanya at sa katunayan ay para na siyang prinsesa talaga kung ituring ni Gino.
 
 
Ang dalagita rind aw ang dahilan kung bakit tumataba ngayon si Daniel.
 
 
“Actually po, ‘yung mga fans ang nagdadala po lagi ng pagkain para sa amin.  Sila ang nagpapataba sa amin.” Sabi naman ni Mikay.
 
 
Kaya abut-abot ang pasalamat nina KathNiel sa kanilang supporters na parating nasa taping ng Princess and I na nakikipag-puyatan din sa kanila.
 

At muling kinulit kung MU na sila, “malabong usapan nga po,” say ni Kath.


“Bad trip ‘yun, ah.  Matinong usapan, di ba?” titig ni Daniel sa leading lady niya.


“Malabo (nga), basta kayo na pong bahala,” tumatawang sabi ni Kathryn.


Kaya ang sabi namin, ‘alam ninyo, feeling ko kayo (na).’


“Feeling n’yo lang po ‘yun,” sagot sa amin ni Mikay.


“Yun din ang feeling ko (kami na) kaso hindi, eh.” Tumatawang sagot ni Gio.



Monday 20 August 2012

SAM, PINAGTRIPAN NG MGA KAPITBAHAY SA PASIG


Natuwa kami sa mga kuwento ng kapitbahay ni Sam Milby sa Greenwoods Village, Pasig City dahil sobrang bait daw pala ng aktor sa kanila.
 
 
Bagama’t alam na naman ng buong showbiz industry na mabait si Sam ay iba pa rin pala ang dating sa tulad naming taga-media na makarinig ng kuwento mula sa mga hindi naming kilalang tao na kapitbahay ng aktor.
 
 
Naka-dinner namin ang mag-asawang may-ari ng bagong tayong skin clinic sa Ortigas Center, Pasig City na ipinakilala lang din sa amin ng isang kaibigan na hindi taga-showbiz at napag-kuwentuhan namin ang mga kliyente nilang artista na mga sikat din naman.
 
 
Hindi alam ng mag-asawang ito na reporter kami kaya panay ang kuwento nila ng kung anu-ano tungkol sa mga nakakahalubilo nilang artista at ‘yung ibang gustong maging endorser nila.
 
 
Hanggang sa nabanggit nilang ka-village nila si Sam at hinayaan namin silang magkuwento tungkol sa aktor.
 

“’Yung mga kapitbahay namin, natutuwa kay Sam, mabait pala ‘yun?  Sabagay kita naman sa mukha na mabait at sa tuwing makikita siya, bumabati, parating nagsasabi ng ‘hi o hello’, palangiti naman.
 
 
“Minsan pinagkatuwaan nila si Sam, may mga sumigaw ng sunog, sa tapat ng bahay mismo ni Sam, hayun, bagong gising yata, lumabas si Sam, may dala-dalang timbang tubig at tinanong, “sunog? San po ang sunog?
 
 
“Nagkatawanan nga lahat, kasi ‘yung pagkasabi niya ng sunog, slang daw.  Kaya maraming gusto si Sam kasi alam mong tutulong talaga,” dire-diretsong kuwento sa amin.
 

Sunday 19 August 2012

DANIEL PADILLA, IDOLO NG KABATAAN



Sobra na talaga ang kasikatan ng bagong ini-idolo ng bayan na si Daniel Padilla dahil hindi lamang sa teleserye namamayagpag ang kasikatan niya kundi maging sa live shows at recording at sa katunayan ay platinum na ang self-titled album niya mula sa Star Records na may carrier single na Hinahanap-Hanap Kita na igininawad sa kanya kahapon sa ASAP.
 
 
At ngayong gabi ay mapapanood ang Princess and Us show kasama ang  Prinsesa ng Primetime na si Kathryn Bernardo with Khalil Ramos at ang Sexbomb Dancers. 
 
 
Ini-launch na rin ang soundtrack album ng Princess and I at talagang nakakabingi ang mga hiyawan ng loyalistang supporters nina Daniel at Kathryn tulad ng Kathniel, KathNiel Addicts, Proud Daniel Fans, Danielstaz, SmirkForDaniel, DanielRocks at iba pa.
 
 
At para sa tickets ay maaring tumawag sa Zirkoh 376-7287 o sa SM TICKETS 470-2222 at 0917-4398587.
 
 

Wednesday 15 August 2012

DANIEL AT KATHRYN, MU NA?


Sinugod ng loyalistang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang programang Kris TV kahapon kesehodang rumaragasa ang bagyong Helen.
 
As early as 6AM ay nagdagsaan na ang mga grupong Kathniel, KathNiel Addicts, Proud Daniel Fans, Danielstaz, SmirkForDaniel, at iba pa kaya naman nagulat ang mga guwardiya ng ABS-CBN dahil akala nila ay may rally, ha, ha, ha.
 
Anyway, dapat kasi ay noong nakaraang linggo pa ang guesting nina Daniel at Kathryn ginawa namang dagat ni Habagat ang buong Metro Manila kaya hindi natuloy.
 
“Walang oras talaga, punumpuno ang schedules nila Reggee, grabe!” ito ang sabi sa amin ng handlers ng dalawa na sina Luz Bagalacsa at Cris Navarrp ng taga-Star Magic.
   
Natutuliro rin ang adprom lady ng Star TV na si Joanne Angeles dahil nga kinukulit din siya ng supporters at maski na maysakit siya kahapon ay binantayan niya ang guestings ng dalawa.
  
Kaya naman kahapon bago pumunta sa General Santos City ang batang aktor ay dumaan siya sa Kris TV kasama si Kathryn kaya hindi na ito pinalampas ng supporters ng dalawa na sobrang kilig na kilig sa kanila.
  
Nabingi-bingi sa tilian at hiyawan ng fans ang buong tao sa studio at maging si Kris ay naloloka at sa katunayan ay on air niyang sinabi na patayin muna ang mga cellphone na walang tigil sa kakatunog dahil nadi-distract sila.
  
Co-hosts ni Kris ang ex-lovers na sina Jason Francisco at Melai Cantiveros kahapon kaya walang ginawa ang mga ito kundi mag-asaran at mukhang may balikang mangyayari sa dalawa.
  
Samantala, inamin ni Daniel na willing siyang maghintay kay Kathryn kapag tumuntong ito ng 18 years old (2014) at ngayon palang daw ay wala ng ibang babae para sa kanya kundi ang leading lady niya sa Princess and I.
 
Diretsong tinanong ni Kris kung kailan puwedeng mag-boyfriend si Kathryn at sinagot nga nitong pagtuntong niya ng 18 at muling tinanong ng TV host kung puwedeng MU (mutual understanding)?
   
“Puwede po siguro kasi wala naman commitment pa, parang inspirasyon lang.” sagot ni Kathryn na lalong ikinakilig ng supporters na nasa studio.
  
At ibinuking naman ni Melai na, “naku, feeling ko sila na, alam nila lahat ang tungkol sa isa’t isa.”
   
At heto na, sumimangot si Daniel ng malaman niyang may nagkaka-crush kay Kathryn, si Dominic Roque na kasama naman sa Aryana na pamangkin ni Beth Tamayo.
  
Nag-guest na rin kasi ang baguhang aktor sa Kris TV dati at nabanggit nga niya na crush niya si Kathryn at ipinaalala ito ni Kris sa dalagita na hindi pa pala nakikilala ng young actress si Hubert (role ni Dominic) kaya si Daniel ay sumimangot at sabay bawing, “okay nga po iyon na magkakilala sila (Kathryn)." 
 
Kaya naman si Kris ay natatawang naiiling na lang sa kulitan ng dalawa dahil tila naiinis si Kathryn sa panga-asar ni Daniel sa kanya tungkol kay Dominique. 
 
Samantala, kinilig lalo ang fans ng i-promote na nina Daniel at Kathryn ang show nilang Princess and Us sa Zirkoh Morato sa Agosto 20, Lunes kasama si Khalil Ramos plus Sexbomb dancers.
  
Sobrang pasalamat kami sa handlers na sina Luz at Cris dahil naglaan sila ng oras para makapag-promote ang dalawang bagets ng Princess and Us at sa buong staff ng Kris TV lalo na kay Kris at kay Joanne na kinukulit namin parati para sa promo.
 
 
                                                             
  

Monday 13 August 2012

AKTRES MAY SABIT ANG PAKAKASALANG BOYFRIEND?


Kilalang aktres inililihim ang nalalapit niyang pagpapakasal sa kanyang non-showbiz boyfriend.


Balitang nagpakasal na ang kilalang aktres sa non-showbiz boyfriend niya ng magpunta sila sa ibang bansa pero ang totoo ay hindi pa dahil mas gusto ng dalawa na sa Pilipinas sila magpakasal.


At sa tuwing tatanungin ang aktres tungkol sa isyung ito ay hindi naman niya itinatanggi o inaamin dahil ayaw niyang matanong pa ng kung anu-ano.


Ang pinagkaka-abalahan ngayon ng aktres ay ang nalalapit nilang pagpapakasal ng non-showbiz boyfriend niya na magaganap sa isang sikat na resort sa Pilipinas na sana lang walang bagyo dahil parating binabagyo ang lugar na ito.


Masaya kami para sa kilalang aktres sa nalalapit niyang kasal dahil pangarap niya ito noon pa at sana hindi na siya magkamali muli sa pagpili.


Kaya lang may nag-tsika sa amin, may sabit daw ang lalaki?  Sana hindi ito totoo.




Sunday 12 August 2012

VICE: DI KO ALAM KUNG BIGAY SIYA NG DIYOS O NG DEMONYO-HA, HA, HA


Sinigurado ni Vice Ganda na maski gaano siya ka-busy ay nagsisimba siya sa Baclaran, “I pray everyday at every morning?”pagtatapat ni Vice.
 
 
Natawa kami sa kuwento ni Vice na nababago raw ang panalangin niya noong hindi siya sikat at ngayong sikat na siya.
 
 
“Nababago rin, hindi na ako ngayon masyadong humihiling.
 
 
“Kasi rati salat ka di ba, hiling ka ng hiling kasi nga wala ka, ngayon nahihiya na akong humiling, pero pag may isang bagay akong gusto, sinasabi ko talaga, ini-specify ko kasi para hindi na manghula.
 
 
“Pero kapag todo o bigat (problema), sabi ko, bahala na po kayo kung ano ang gusto ninyo.” Pagtatapat ni Vice.
 
 
Tinanong kung kasama ba sa panalangin ni Vice ang boyfriend?
 
 
“Hindi, nahiya ako sa kanya (God), ipinapanalangin ko ‘yung boyfriend, ‘yung pamilya niya, at saka kapag may problema pero hindi ko hiniling na maging kami, kasi nahihiya ako, baka kotongin akong bigla,ha, ha, ha, ha.
 
“Baka sabihin, talandi ka ah, sinabi kong bawal ‘yan, makulit ka, ha, ha, ha” tumatawang sabi ng TV host.
 
 
“Kaya nga ‘yung dyowa ko hindi ko alam kung bigay ng demonyo o bigay ng Diyos, pero hayaan mo na siya, ha, ha, ha gusto ko rin naman ‘yun.” Dagdag sabi pa ulit ni Vice.
 
 
At inamin din ni Vice na araw-araw may konyat siya mula sa Panginoong Diyos, “hindi naman perfect ang araw-araw, pero hindi naman buong araw sa 24 oras tsaka, sabihin mo ng limang (5) oras ang tsaka, may nineteen (19) na oras na maganda. Kaya nagpapasalamat pa rin ako.”
 
Samantala, inamin din ni Vice na walang nabago sa kanya pagdating sa pagkain dahil kung ano ang kinakain niya noong wala siyang pera ay iyon pa rin ang mga gustung-gusto niyang pagkain ngayon.
 
 
“Nagkakamay ako kapag kumakain, ulam ko galunggong.  Masarap magluto mga bakla (kaibigan) ko sa bahay.  May mga kaibigang bakla ako sa bahay, sila ‘yung mga kasa-kasama ko noong high school pa ako, hindi na kami naghiwa-hiwalay.
 
 
“Kaya noong nagpagawa ako ng bahay, may sarili talaga silang kuwarto sa bahay ko.
 
 
“Kaya nga ako nagpagawa ng sarili kong bahay para may kuwarto sila, yung nauna kasi para sa pamilya ko, siyempre hindi naman naming puwedeng gawin ang gusto naming gawin ‘yung mga eksena naming mga bakla kapag nandoon ang nanay ko, baka maloka naman siya.” Kuwento pa sa amin.
 
 
At tatlo na raw ang bahay ngayon ni Vice kaya ang tanong namin ay kung magkano na ang worth niya bilang artistang sikat.
 
 
“I’m immeasurable,” one-liner sa amin sabay tawa ng hitad.