Monday 3 September 2012

DANIEL, GRABE MANGGIGIL KAY KATHRYN


Obvious na may relasyon na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo pero hindi nila inaamin dahil ilang beses na namin silang nahuhuling magkahawak ang kamay sa isang event at kapag napansin ng batang aktres na may nakatutok na kamera ay bigla siyang bibitaw sa kamay ng batang aktor.
 
 
At minsan ay nakita rin naming nagbibiruan hanggang sa manggigil si Daniel kay Kathryn sabay hawak sa magkabilang pisngi ng dalagita na hindi naman tinanggal ng huli.
 
 
Si Daniel lang naman ang binibigyan ni Kathryn ng karapatang hawakan ang kamay at pisngi niya kumpara kinta Enrique Gil at Khalil Ramos kaya ano ang tawag do’n?
 
 
Samantala, abut-abot ang pasalamat ni Kathryn sa lahat ng sumusuporta ng Princess and I, “sa lahat po ng nanonood sa amin, maraming-maraming salamat po sa gabi-gabi ninyong pagsuporta. 


"Dahil po sa inyo ay pataas nang pataas pa ang ratings namin," ani ng young actress. "Para po sa inyo kaya mas pinagaganda pa po namin ang 'Princess and I."
 
 
Kamakailan ay muli na namang namayagpag sa ratings ang teleseryeng pinagbibidahan nina Kathryn, Gretchen Barreto, Albert Martinez, Enrique Gil, Khalil Ramos, at Daniel Padilla. 


Base sa datos ng Kantar Media noong Miyerkules (Agosto 29) at naging number 2 most-watched TV program sa buong Pilipinas ang "Princess and I" taglay ang national TV ratings na 38.2%, o lagpas 20 puntos na kalamangan kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na "24 Oras" na nakakuha lamang ng 16.9%.
 
 
Kaloka, tinalo ang news program ng GMA-7 na ilang taong namamayagpag?                         
 

No comments:

Post a Comment