Pinadalhan kami ni Pilipinas Got Talent Season 1 finalist Markki Stroem ng una niyang album na nay titulong Thousands of Pieces na release ng Cornerstone Music na siya mismo ang nag-produce.
Nang marinig naming kumanta si Markki kapag guest siya ni Richard Poon sa mga mall show ay nabanggit naming Michael Buble ng Pilipinas dahil pareho sia ng musika ng Canadian Jazz artist.
At nabanggit din namin noon kay Richard na iisa ang kinakanta nila dahil napakinggan din namin ang version ni Markki ng Moon River at Can’t Help Falling In Love, pero kaagad ikinatwiran ni RP (tawag kay Richard) na magkaiba sila ng tunog ng produkto ng PGT.
Hanggang sa bihira na naming mapanood sa TV si Markki at nang tanungin namin siya sa manager niyang si Erickson Raymundo ay busy daw sa workshop at pagdi-direk ng music videos bukod pa sa pagpo-produce rin ng shows.
Sa madaling salita, musika ang gusto ni Markki at hindi ang umarte sa harap ng TV camera tulad ng kapatid niya sa Cornerstone na si Sam Milby na produkto rin ng reality show na Pinoy Big Brother.
Sayang nga at hindi namin napanood sa Music Museum ang una niyang show noong Pebrero 14, 2012 kasama ang G-Force na may titulong Make Me Sweat na talagang ipinakita niya ang pagiging tunay na artist.
Kaya naman muli siyang hinilingang magkaroon ng repeat, pero naging sobrang busy na sa musical play si Markki na Next to Normal na ginanap sa RCBC Plaza kasama sina Menchu Lauchengco at Jett Pangan.
Hanggang sa nalaman na lang namin na may tinatapos na album si Markki na siya mismo ang producer at dahil nabanggit namin noon sa kanya na gusto naming mapakinggan kaya personal niyang ipinadala ito sa amin at nagpapasalamat sa suporta.
Inamin ng guwapong singer na natagalan bago niya natapos ang Thousans of Pieces album dahil, “yes, it took years. I wrote eight songs and I wanted to make its something different. Because I didn’t want it to be too generic ‘cause there’s already that sound and I wanted to make it something new.”
Ang sikat na awitin at hit sa youtube na Call Me Maybe ay binigyan ng ibang areglo ni Markki na nakaka-intriga dahil ginawa niyang jazz.
Sa totoo lang, sobrang taas ng musika ni Markki kaya tinanong namin ang publicist niyang si Gian Carlo Vizcarra kung ano ang target market ng album, “international yata” ang sabi sa amin.
Pero nasa number two ang Thousands of Pieces album ni Markki sa OPM category at number 4 naman sa over-all category sa Astrovision mula September 17-23, 2012.
May sinulat ding tagalog song si Markki na may titulong Kung Pwede Lang Ibalik na dedicated niya sa kanyang ex-girlfriend na iniwan siya kamakailan.
Kaya pala halos lahat ng litratong ginamit sa album niya ay may mga dala siyang maleta at basa ng ulan habang naglalakad kasi, “ito ‘yung araw na iniwan siya at gusto niyang maalala ang araw na iyon,” natawang kuwento sa amin ng taga-Cornerstone.
At dahil ginawan ng music video ni Markki ang awiting Steal Your Soul kasama si Zia Quizon kaya sila na-link.
At mas lalo pang nagduda ng banggitin mismo ni Markki na isa nga si Zia sa girlfriends niya na dala-dala niyang album sa kotse niya.
“I have four girlfriends in my car. So it’s my album and then four girlfriends, I have Adele. I have Esperanza Spalding, I have Lana del Ray, and I have Zia Quizon.
“And all of their albums are in my car. And it’s just on shift, those four. And those are the four girls. And then, I have Maroon 5, I have John Legend.
“But those four are my four girlfriends. They’re the ones sitting next to me when I drive. Cause I write, sometimes when I drive. Traffic. And then it starts coming out.” Aniya.
Kasama rin sa nasabing album ang mga awiting Illicit Activities, Fall From Grace, Iron Curtain, Cradle, Toxic at Exchanging Glances.
“I really consider this my ‘baby’ because I have been a part of the whole creative process,” says Markki. “I am very thankful that I was given this chance to work on a very personal album like this.” He also added that he is mighty thankful that he got to work with some of the most artistic people in the business – singer Zia Quizon, production house Generation M and his own band.” Pahayag ni Markki.
Samantala, hindi lang sa musika malupit si Markki dahil isa siya sa tinilian sa nakaraang top 10 hottest men sa Cosmopolitan Bachelor Bash dahil walang takot na underwear lang ang suot.
Xxxxxx
No comments:
Post a Comment