Saturday 4 March 2017

Bandera – Ervin Santiago From: Reggee Bonoan Subject: bull sheet Gagawa ba ng Tide TVC si Arjo Atayde? Viral kasi ngayon ang video niyang sumasayaw na #TideMasMabangoChallenge na ang intindi namin ay gagayahin ang dance steps niya. Kapag nababanggit ang word na mabango ay kinikilig ang aktor. Base post ng aktor, “we are inviting you to do the challenge of #TideMasMabangoChall¬enge video. Just follow the dance steps sa video na ito and show your mas mabango emote tuwing nababangit ang mas mabango sa kanta. Upload your video and wag kalimutan ilagay ang #TideMasMabangoChallenge! Download the Tide Song here:https://tinyurl.com/zlxkd69.” Sa burol ng manager ni Sylvia Sanchez na si tita Angge o Cornelia Lee noong Sabado ng gabi ay tinanong namin ang aktor kung gagawa siya ng Tide TVC pero ngumiti lang at gayahin daw namin ang sayaw niya. Inalam din namin sa nanay niyang si Ibyang kung para saan itong sinasayaw ng anak, “sa totoo lang Reggs, wala rin akong alam, tinatawagan ko nga si Nenet (handler ng aktor) hindi naman ako sinasagot. Basta pag may alam ako, balitaan kita,” sabi sa amin na abala naman sa mga kausap nitong nakikiramay kay tita Angge. Naaliw naman kami kung sakaling may Tide TVC nga si Arjo dahil sabong panlaba talaga ang gagawin niya? Naisip kasi namin dati na kung sakaling may offer siyang gagawa ng commercials ay mga panlalaking produkto o kaya pagkain since mahilig siyang kumain. Itatanong pa sana namin kay Arjo kung totoong extended ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil sabi rati ay ngayong Marso na ito magtatapos, e, base sa tumatakbong kuwento ay buhay na buhay pa rin ang karakter ni Arjo bilang si Joaquin Tuazon na mortal na kaaway ni Cardo Dalisay (Coco Martin) pero biglang nagpaalam na ang aktor dahil may lakad pa raw siya. Anyway, noong nasa ABS-CBN kami nu’ng isang araw ay nabanggit sa amin n gaming kausap na may retired actor na gustung-gustong mag-guest sa FPJAP dahil natutuwa siyang mapanood ang mga artistang nakasama niya noong kainitan niya sa paggawa ng action films. Sabagay, nandoon na sina Jeric Raval, Sonny Parsons, at iba pang nakilala ring action stars. Sabi pala sa amin ng taga-ABS-CBN, “on the works po, inaayos lang schedule (aktor).”

No comments:

Post a Comment