Wednesday 22 March 2017

Muling mapapanood sa isang romatic comedy teleserye sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap bago matapos ang 2017. Yes ateng Maricris, ang paborito mong Jo-Chard loveteam ay balik-tambalan na pagkatapos ng mahigit dalawang taong paghihiwalay. Matatandaang ang Jo-Chard ay nakipagsabayan sa sikat na loveteams na KathNiel at LizQuen kaya naman buong mundo ay nakatutok noon sa Be Careful With My Heart. Wala pang detalye kaming nakukuha pero sitsit ng taga-Dos ay sa Dreamscape Entertainment daw ito. Kaya maliwanag na hindi si Robin Padilla ang makakatambal ni Jodi sa pagbabalik serye nito kundi si Richard. Samantala, abala naman ngayon si Richard sa promo ng album nila ni Richard Poon na Chinito Crooners Album Mall Tour sa iba’t ibang lugar sa bansa handog ng Star Music.

No comments:

Post a Comment