Thursday, 16 May 2024
Tila hindi nakaganda sa pananaw ng netizens ang pagsampa ni Bea Alonzo ng Cyber libel laban kina Nanay Cristy Fermin at co-hosts nito sa vlog na Showbiz Now Na at kay Ogie Diaz sa YouTube channel nitong Showbiz Update kasama rin ang kapwa niya hosts. Base kasi sa mga komento ng netizens sa aktres ay masyado siyang balat sibuyas. Hindi pa naman inilalabas ng mga sinampahan ng kaso kung ano ang reklamo sa kanila ni Bea kaya humantong ito sa cyber libel. Maliban kay Ogie na ayon sa aming source ay two counts of libel ito at nasulat namin dito sa BANDERA kamakailan na ito’y tungkol sa komento raw nilang hindi nagtagal ang seryeng Start Up PH ay dahil mababa ang ratings at ang isyung dapat ay mauunang i-offer muna kay Marian Rivera ang project at kapag tumanggi ay saka lang ibibigay kay Bea. Hindi raw ito totoo base sa inilabas na official statement noon ng GMA management tungkol dito. Sa programang Cristy Ferminute kahapon ng tanghali nina ‘nay Cristy at Romel Chika na napapakinggan sa 92.3 Radyo 5 TRUE FM ay isa-isa nilang binasa ang mensaheng gustong iparating kay Bea Alonzo. Nag-post kamakailan ang aktres sa kanyang Instagram account ng ini-endorso niyang kilalang bangko sa Pilipinas pero tila hindi ito nagustuhan ng netizens. Kuwento ni ‘nay Cristy, “So, dapat doon ay matuwa ang mga nakababasa at nakakikita pero ang nangyari ay sinasarkastiko siya talaga ng mga netizens. “Sabi nu’ng isa, ‘ay naku mga friends ‘wag na tayong magkomento baka idemanda rin tayo. “Sabi naman nu’ng isa, ‘ay puro magaganda lang ang gusto niyang marinig at makita. ‘Wag na tayong mag-comment mahirap na ‘no?” Sa isang pahayagan ay nasa comment section ang, “Bea Alonzo inaayawan nab aka raw mademanda ang mga magko-komento.’ Natawang sambit pa ni ‘nay Cristy ay nakalathala nga ang kanyang larawan sa nasabing pahayagan. Maging si Romel Chika ay kinumusta siya ng mga kaibigan niya tungkol sa demand ani Bea, ‘Ang sagot ko, ataw ko nalang mag-talk.” Paliwanag ni ‘nay Cristy, “alam n;yo po mga kapatid hindi natin maiiwasan ang ganitong senaryo, kapag ang mga artista po ay may ginagawang aksyons na hindi naman paborable sa mas nakararami. Patuloy pa ng CFM ay SNN host na nabasa niya sa isang pahayan na sinabi ng netizens “ay nalalaos ka na kasi kaya ka nag-iingay, ay gumagawa ka kasi ng mga bagay-bagay para ka mapansin, negatibo po ang mga nababasa natin dahil sila (netizens) rin po ay nakikilahok sa mga isyung pinag-uusapan natin ngayon. Lalo na po sa kasagsagan ng social media? Sino ba ang ligtas ngayon, wala!” Susog ni Romel Chika, “wala tayong control sa mga gusto nilang (netizens) sabihin May binasa pa si ‘nay Cristy na, “nakakatakot talaga ‘yung taonga ayaw makarinig ng mga puna or areas for improvement dahil ang gusto niya ay puro papuri lang ang matanggap niya, so, ano feeling perfect ganu’n? Kaya hayan tuloy 90% komento sa IG niya negatibo at marami ang nagsasabing i-unfollow nila si Auntie (tawag kay Bea)” Actually, binasa nga naming isa-isa ang komento ng netizens sa IG ng aktres at halong negatibo at positibo na umabot sa 1,011 as of this writing. Kadalasan kapag hindi magaganda ang komento ay ini-off ang comment section pero si Bea ay hindi marahil ay binabantayan din ng social media team niya at saka idudulog sa legal counsel niya kung ito’y puwedeng sambahan ng cyber libel. O, baka naman gusto lang din ng aktres na maging aware kung ano ang mga komento sa kanya ng netizens. Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Bea Alonzo tungkol sa mga birada sa kanya nf netizens.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment